Mercedes Cabral (in photo: «Hindi ko po alam kung nominated ako, pero sa akin po kasi, ‘yong mga festivals naman po kasi, parang celebration lang yan ng mga istorya, mga pelikula, mga taong mahilig lang talagang magkuwento.»
Mercedes Cabral says winning an acting award isn’t her priority
Thursday, November 10, 2011
04:38 PM
Rating
Isang thriller-drama ang pagbibidahan ngayon ng isa sa mga kilalang aktres sa mundo ng independent filmmaking—si Mercedes Cabral.
Ilan sa mga ginawa niyang indie films ay Serbis (2008, Kinatay (2009, at Ligo Na U, Lapit Na Me (2011.
Ngayon, ang indie film na Di Ingon Nato naman ang pagbibidahan ni Mercedes kasama sina Rez Cortez at Franco Reyes.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal at iba pang entertainment press si Mercedes kagabi, Nobyembre 9.
Ito ay sa opening ng 7th Cinema One Originals Film Festival na ginanap sa Shangri-La Mall, Mandaluyong City.
Naikuwento niya sa amin kung ano ang istorya ng pelikulang Di Ingon Nato.
«It’s a zombie film, na obvious naman. Di ingon nato [Visayan term] is ‘not like us’ in English.
«So, ang story niya basically is may maliit na town in Cebu and may…parang nagkaroon ng virus.
«Hindi namin alam kung ano yung nangyayari, pero nag-concentrate siya on three characters, which is portrayed by Franco Reyes, Donna Gimeno, Tito Rez Cortez.
«Basically, pinakita lang kung ano yung magiging reaksiyon ng tao, kung magkakaroon ba ng zombie apocalypse, kung ano yung magiging reaksiyon nila.»
A DIFFERENT ATTACK. Para kay Mercedes, kakaiba ang ginawang atake sa zombie-inspired na pelikulang ito.
Aniya, «Kasi wala pa akong napapanood na zombie film dito na ganitong klaseng treatment at writing.
«‘Yong writing niya—nakuha talaga ako ng director sa writing, e.
«Kasi nung unang pinitch sa akin yung project, medyo parang nag-alangan ako kasi zombie film siya, medyo mahirap i-pull off ito, e.
«Pero no’ng nabasa ko yung script, sobrang galing nung pagkakasulat.»
Ang mga writers ng Di Ingon Nato ay sina Brandon Relucio at Ivan Zaldarriaga.
«Unang pumasok sa isip ko ‘yong The Walking Dead [American TV series] and 28 Days Later [British film].»
Kapana-panabik din daw ang istorya nito dahil «realistic» ang pagkakagawa.
«Well, kasi sa mga Pilipino, kasi nga wala pa akong nakikitang… napapanood na Filipino film na ganitong klase atake sa konsepto niya.
«Realistic siya, e.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
<!
Читать полностью или написать коммент.. Про установку спутниковых тарелок в Московской областиhttp://tarelka-tv.ru/


Комментариев нет:
Отправить комментарий